Magandang Umaga sa inyong lahat, Ako ay nasa harapang ninyo upang ipaliwanag ang kahalagahan ng pag kakaroon ng kalayaan ng mga estudyante kaysa sa pagsunod sa mga umiiral na regulasyon sa paaralan.
Bilang Isang mag aaral, alam natin na may mga patakaran na umiiral sa ating paaralan. Pumapaosk din Tayo sa ating paaralan upang matuto, ngunit paano kapag ang mismong pangalawnag tirahan natin ay sya mismo magtuturo sa atin upang manahimik ay Hindi ipahayag ang sariling opinyon?
Akala ko ba ay narito Tayo sa paaralan upang matuto?
Sabi nga ni George Washington Carver “educatuon is the key for the golden door of freedom“, Sabi din ni Nelson Mandela na “educatioj is the most powerful weapon which you can use to change the world“ paano natin magbabago ang Mundo kung habang estudyante pa lamang Tayo ay tinuturuan tayong manahimik lamang at Hindi tinuturuan na magpahayag ng sariling opinyon? Akala ko ba ay edukasyon ang susi para makamit ang kalayaan? Pero bakit ang mismong kalayaan ay pinagkakait na kahit Tayo nag aaral pa lamang? Paano natin magbabago ang Mundo kung Tayo ay nababalot ng takot na magsalita?
Base nga sa article XIV section 2, Hindi dapat ipinagkakait ang kalayaan ng Isang tao.
Tandaan natin na ang paaralan ang syang magtuturo sa atin upang maging Isang maayos, disiplinado, responsible at wlaang takot na mamamayan sa hinaharap at Hindi ito ang magtuturo sa atin kung paano manahimik lamang